Saturday, August 29, 2009

I received a message from a classmate wayyyy back in highschool, actually elementary pa lang ata classmate ko na sya and since transferee ako from QC, I was only in Colegio de Sta CAtalina for 3rd grade then I went back to St. James. HS I returned to Sta Catalina where I graduated and went on with my nursing degree sa UP manila. She wrote me a very long letter hehe kakagulat pero it was funny and nice to hear from someone. She remembered little things about me and ang nakakatawa, I can't even remember it. Carol remembered me as tomboyish, makulit and madaldal and laging nakatayo sa upuan as a punishment for being talkative. Hehe, sabi nya start pa lang ng class madungis na ako kase takbo raw ako ng takbo. Come to think of it, wala namang nagbago hehe madaldal pa rin ako, lots of energy and although wala nang teacher na nagpapatayo sa chair, I still let my sense of humor surface despite the difficulties. Carol also went on about her life now and she shares the difficulties of being a full time mom. How trulili!!! Hirap kaya! I love to complain, but when you verbalize complaints, it just sounds whiny, but if you blog it..sosyal ang dating hehe. So here was my reply to her, just thought to post it kase initially it was just a reply to the message, but I found it funny :)

8/29/09
Hello Cayoy :)Wow gulat ako haba ng message mo hehe, I can totally relate kase most of the time when puro kids kasama mo almost 24-7 minsan naghahanap ka na talaga ng kausap na hindi bata :) And I find it funny kase ikaw naaalala mo pa yung elementary days hehe para mo nang sinabing meron akong ADHD haha sa totoo lang elementary days ko and actually pati HS passed by in a blur . Defend ko sarili ko tsaka daughter mo, ang mga smart daw na tao,talagang madaldal mula pagkabata kase sobrang bilis daw mag-isip and ang thought processes hehe kase nung time natin nun hindi uso ang diagnosis na ADHD. And frankly I don't approve of this diagnosis especially sa mga bata, sad pero it's really prevalent dito sa US na medyo active lang ang bata, dinadala na sa pediatrician and kung ano-anong medications na. Sa atin kase palo lang ng sinturon and katapat nyan :) And what can I say about having kids and being tomboyish? Even during that time hindi ko rin na envision sarili ko, having a family pero ika nga it just happens. To be honest, mas masaya sa pinas, mas relaxed and buhay especially if your earn enough and marunong kayong maghandle ng finances. When you mentioned about how you live within your means and your kids get a good education, it's not where they go to school but I think it's more important that the parents are there to supervise and follow up with assignments, awareness kung ano na nangyayari sa buhay ng mga anak mo. Oo nga nasa exclusive schools anak mo, pero both parents have to work to support the expense, pag uwi ng mga bata sa bahay, yaya lang ang andun, eh sino ba naman ang magmamalasakit sa mga anak mo...syempre magulang lang talaga. Di alam ng parents nag dru-drugs na pala yung anak nila..asus. Actually akala ng mga mister natin madali ang maybahay? sometimes when I complain to my hubby na pagod ako etc etc he would look at me like "Ano ginawa mo?" Malinis pa bahay diba? Meron pa syang briefs na naisusuot di ba? Buhay pa mga anak nya diba? Nakakakain ng maayos ang mga bata diba? Maayos ang schedule, extracurricular activites ng mga bata diba? Bayad lahat ng bills at hindi pa napuputulan ng kuryente, tubig, cable at telepono di ba? Ayos pa ang budget sa bahay at grocery diba? Meron nang nakahandang gifts para sa aatendang birthday party ng mga bata diba? etc etc etc and not to mention During the time we were breastfeeding, para tayong mga baka..taga-alaga ka na nga ng bata, daig mo pa Nestle sa production ng milk. Tiisin na lang ang nipples na dumudugo at parang equivalent ng circumcision sa guys. Buti nga sila once lang, tayo every 3-4 hours aruyyyyyy!!!! Mabuhay tayong mga INA! hehe ngayon ko lang napansin, mahaba na pala ito, pati ako natawa kayo post ko sa blog ko hehe wala lang :)

No comments:

Post a Comment